Isinasagawa ang (PMES) tuwing Martes sa FLECO Pangil Office at Huwebes sa FLECO Main Office mula ika walo ng umaga (8:00 AM). Para magkaroon ng advanced na kaalaman tungkol sa mga paksang tinatalakay sa PMES ay maaari itong basahin sa sumusunod na link: Review Materials
Maaari rin pong idownload ang ating Pre-Membership Education Seminar Handout / Reviewer sa sumusunod na link: Seminar Handout
1. Application form with Location map – mangyari lang po na punan na ng inyong impormasyon kasama ang guhit ng inyong location map o sketch kung nasaan ang bahay na papakabitan ng serbisyo ng kuryente bago ito ipasa sa FLECO.
2. Photo of establishment/house (front view).
3. Electrical lay-out plan kasama ang riser diagram at computation of loads (Original Copy) na pirmado ng isang Professional Electrical Engineer (PEE).
4. Electrical permit at Certificate of final electrical inspection – Original Copy (ito ay magmumula sa PEE, na dadalhin sa Municipal Engineer upang papirmahan).
5. Fire Safety Clearance – Original Copy (ito po ay makukuha sa Bureau of Fire Protection sa inyong bayan).
6. 2 pcs. 2X2 picture.
7. 1 photocopy of Valid ID / CTC / sedula.
8. Electric bill from nearest neighbor - Photocopy (manghiram ng bill sa inyong kapitbahay).
9. Proof of Lot Ownership / Affidavit of Ownership (Alinman sa mga sumusunod: Land Title / Deed of Sale / OHA / Tax Declaration na nakapangalan sa aplikante kung sariling pagmamay-ari ang lupa).
10. Notarized Letter of Undertaking (Notaryadong Kapahintulutan mula sa May-ari / Katiwala ng Lupa). Mayroon po tayong forms na maaaring maidownload sa FLECO website at papipirmahan sa may-ari ng lupa o sa inyong public official (para sa public o government land) kung hindi sariling pagmamay-ari ang lupa.
11. Notarized Special Power of Attorney (kung hindi personal na maaasikaso ng aplikante ang kanyang pag-aapply para sa pagpapakabit ng serbisyo ng kuryente at ipapautos ito sa iba).
Siguraduhin po na kumpleto ang mga nabanggit na dokumento bago ipasa sa FLECO.
Pagkatapos maipasa ang kumpletong requirements, kayo po ay ii-schedule na para sa house wiring inspection.
Siguraduhin lamang na nakakabit na ang mga sumusunod sa inyong tahanan upang mabigyan ng approval mula sa aming Housewiring Inspector:
1. House wiring o instilasyon sa loob ng bahay / estalisyimento.
2. General Switch / Circuit Breaker.
3. Service Entrance (Rigid Steel Conduit with Entrance Cap) - Siguraduhing magkaiba ang kulay ng entrance wire, hindi nakabutas sa yero ang entrada at naikabit ito ng maayos gamit ang metal clamp - sundin ang tamang sukat ng mga nabanggit sa itaas base sa nakasaad sa inyong electrical layout plan.
4. Private Service Pole – maglagay ng sariling poste na yari sa GI pipe (at least 2 inches in diameter, 20 ft. in height) kung lagpas ng 25-30 metro ang layo ng iyong bahay mula sa poste ng FLECO. Siguraduhin din na malinis ang dadaanan ng linya ng kuryente at may permiso o authorization mula sa may-ari ng dadaanang lote. Kinakailangan din pong maglagay ng outdoor breaker (NEMA-3R) kung malayo ang bahay sa poste ng FLECO.
Inspector po ang makapagsasabi kung kayo ay “approved” na matapos gawin ang mga nabanggit at maaari nang bumalik sa opisina para kayo ay makapag-bayad.
Sa prosesong ito, muling sisiguraduhin kung kumpleto na ang mga ipinasang papel at ma-verify ang inyong account at application.
Kinakailangan pong ang mismong aplikante ang magbabayad ng kanyang application fees dahil siya ang nakatalagang pumirma sa Kasunduan.
Sa huling bahagi ng proseso, ii-schedule na po ang pagkakabit ng metro ng Metering Section sa inyong bahay.
Aktwal na pagkakabit ng metro ng Metering Section sa inyong bahay.
Expand To See Download Link
Frequently Asked Questions