Bilang bahagi ng “membership sanitation” ng FLECO, ang lahat ng mga kasaping namayapa na ay aalisin na sa ating “membership masterlist”. Inaanyayahan ang sinumang may kaugnayan o kamaganak ng namayapang kasapi na magpunta sa FLECO Main Office (Lumban, Laguna) upang maproseso ang pagpapalit ng pangalan. Gayundin ang mga nakabili ng “property” na dati nang may serbisyo ng kuryente na nagnanais mailipat sa kanyang pangalan ang “electric bill account”.
1. Online Pre-Membership Education Seminar Certificate. (Makakukuha lamang nito matapos mag-seminar online sa sumusunod na link: https://fleco.com.ph/epms).
2. 1 Valid ID (Photocopy).
3. 1 pc. 2x2 Picture.
4. FLECO Bill/Statement of Account na papalitan.
5. Birth Certificate (Photocopy).
6. Processing & Membership Fee: P72.80.
7. Proof of Ownership. Magdala ng alinman sa mga “NAANGKOP” na dokumento:
• Death Certificate ng dating kasapi - kung ililipat ang pangalan sa asawa
• Waiver/Authorization Letter at Valid ID (Photocopy) mula sa dating kasapi o asawa/mga anak ng naiwang kasapi (kung patay na)
• Deed of Absolute Sale (photocopy) - kung nabili ang property “KASAMA ANG KUNTADOR”
• Notarized Sworn Affidavit o Affidavit of Ownership/Undertaking at iba pang pangsuportang dokumento upang magsuporta sa kahilingan na maipalipat ang pangalan ng kuntador
Kinakailangan din ang Authorization Letter mula sa nagnanais magpapalit ng pangalan kung ipauutos sa iba ang pagproseso ng kahilingan para sa Change Name.
Frequently Asked Questions